Aabot sa 33 pulis sa Metro Manila ang nakatakdang sibakin sa serbisyo bilang bahagi ng internal cleansing program ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay Director Oscar Albayalde, hepe ng NCRPO, karamihan sa nasa dismissal list ay rookie police na tumangging makiisa sa 45-day retraining program ng Metro Manila police leadership.

“We have already initiated termination procedures against them. Most of them are Police Officers 1 who have this habit of complaining just to make sure that they would not be subjected to retraining,” sambit ni Albayalde.

Ipinaliwanag ng opisyal na ipinatupad nila kamakailan ang polisiya na sasailalim sa 45-day mandatory retraining program ang mga bagong recruit upang maipaalam sa kanila ang mga patakaran sa PNP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakapailalim ang RTS sa Philippine Public Safety College (PPSC) kasama ang PNP Academy.

“We noticed that these PO1s are usually the ones always involve in illegal activities. And we also noticed that these PO1s have this habit of complaining,” ayon kay Albayalde.

Sa katunayan, aniya, 11 sa mahigit 300 na inatasan nilang sumailalim sa retraining ay nagreklamo, gaya ng kakulangan sa pagkain at kakulangan sa pag-aasikaso sa kasagsagan ng programa.

Noong nakaraang, taon, aabot sa 111 ang sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad at paglabag sa patakaran ng PNP. (Aaron Recuenco)