Pinipigil ngayon ng Philippine Army ang dalawang kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na umano’y gumahasa at pumatay sa isang 21-anyos na babae sa Castilla, Sorsogon.
Ayon kay Col. Fernando Trinidad, commanding officer ng 903rd Infantry Brigade, nasa kustodiya na ng Army ang dalawang kinilalang miyembro ng CAFGU na isinasangkot sa panghahalay at pagpatay kay Diana Rose Aviso.
Ayon sa Castilla Municipal Police, pansamantalang hindi pinangalanan ang dalawang suspek dahil hindi pa nakapaglalabas ng arrest warrant ang pulisya laban sa mga ito.
Hindi pa maaaring dakpin at ikulong ang dalawang nasa ilalim ng Alpha Company ng 22nd Infantry Batallion dahil sa kawalan ng testigo laban sa kanila, at sa gitna na rin ng mariin nilang pagtanggi sa krimen. (Fer Taboy)