Tatlong katao, kabilang ang dalawang sanggol, ang malubhang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Daraga, Albay kahapon.
Batay sa imbestigasyon ng Daraga Municipal Police, nasugatan si Salvacion Arias at ang mga sanggol na sina Fiona Kim Arias, siyam na buwan; at Nixon James Arias, limang buwan.
Ayon sa report ng pulisya, galing sa Sorsogon ang dump truck na minamaneho ni Renz Marion nang pumakabila ito sa lane ng kasalubong na pampasaherong jeep na minamaneho naman ng isang Romeo Imperial.
Nagkabanggaan ang dalawang sasakyan at nadamay ang isang nakaparadang tricycle bago sumalpok sa bahay ng isang Jocelyn Barasona sa Purok 7 Kimantong sa Daraga. (Fer Taboy)