YASSI COCO AT SUSAN copy

WALONG awards ang iginawad ng 48th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya nagbubunyi ang Team Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

Pinangunahan ni Coco Martin ang cast sa kanyang pagtanggap sa Phenomenal Star of Philippine Cinema and Breakthrough Performance by an Actor in a Single Program.

Sumunod si Ms. Susan Roces na pinarangalan naman bilang TV Supporting Actress of the Year.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ikatlo si Arjo Atayde as TV Supporting Actor of the Year. Kasunod si Yassi Pressman as Most Promising TV Actress of the Year, si Awra ‘Macmac’ Briguela as Breakthrough Child Star of Movies and TV at si Simon ‘Onyok’ Pineda as Most Popular Male Child Performer.

At siyempre, nakuha ng Ang Probinsyano ang Most Popular TV Program Primetime Drama.

First time sa history ng Philippine television na nakamit ng isang programa ang halos lahat ng major awards kaya abut-abot ang pasasalamat ng Dreamscape sa GMMSF sa pagbibigay-halaga sa kanilang mga pagsisikap sa show.

Habang isa-isang tinatawag ang mga nanalong cast ng serye ay may paghangang nakatingin ang lahat, wala kaming narinig na negatibong komento o reaksiyon sa audience sa loob ng Henry Lee Irwin ng Ateneo de Manila University kundi panay pa ang sabing, ‘Deserving naman talaga.’

Oo naman, susme, sila na nga lang ang bukambibig ng taumbayan kapag palabas na ang Ang Probinsyano.

Philippine National Police na mismo ang nagsabi, zero crime rate kapag umeere na ang serye ni Coco at mga kasama dahil lahat ay nakatutok sa programa.

Ito, bukod sa record-breaking na ratings, kahilingan ng televiewers at advertisers, ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon ang ABS-CBN management na i-extend ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang Enero 2018.

Ito pa, ayon sa spy namin, nakadepende sa itatalang ratings sa mga susunod na buwan kung tatapusin na nga ito sa 2018 -- dahil posible pang ma-extend ulit. (REGGEE BONOAN)