Isang taga-Cavite ang nakasapol sa P54 milyong jackpot ng 6/49 Superlotto sa bola nitong Linggo, inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang nag-iisang tumaya na nakahula sa tamang kombinasyon na 05 43 34 02 33 26 ang mag-uuwi ng jackpot prize na P54,425,004.

Dalawampung second prize winner naman ang mag-uuwi ng P52,760 bawat isa, habang 591 third prize winner ang nanalo ng P1,420 kada isa. May 13,765 tumaya ang tatanggap ng P20 bawat isa bilang fourth prize.

Samantala, wala pang nananalo sa Ultralotto 6/58 jackpot prize na P50 milyon. (Jenny F. Manongdo)

Tsika at Intriga

Keanna Reeves na-in love kay John Prats: 'Lapit nang lapit, kiss nang kiss!'