Ang mga bansang lumahok sa katatapos na Universal Periodic Review (UPR) ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ay nagpahayag lamang ng pagkabahala sa mga namamatay ngunit hindi tutol sa giyera kontra ilegal na droga ng pamahalaan.

Ito ang ibinunyag ni Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing III sa isang press conference kahapon kung saan sinabi niyang nagpaabot ng pagbati ang 95 bansa sa pagbuti ng kalagayan ng human rights sa Pilipinas.

“A total of 109 countries committed in the UPR. All 95 countries who prepared their intervention all congratulated the Philippines for improving the human rights situation the past five years,” ani Densing.

Wala mang kumontra sa digma kontra droga ng bansa, binanggit ni Densing na 15 hanggang 20 bansa ang nagpahayag ng matinding pagkabahala sa bilang ng mga suspek sa droga na napapatay sa mga operasyon ng pulisya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“They were in a neutral tone. In fact the 95 countries didn’t say that we should discontinue our anti-drug campaign.

They only mentioned that we should review the EJKs (extrajudicial killings) in the country. They never said that we should stop the campaign,” dagdag niya. (Chito A. Chavez)