UNITED NATIONS (AFP) – Mariing kinondena ng UN Security Council ang huling ballistic missile test ng North Korea at nangako ng mabibigat na hakbang, kabilang ang mga parusa, upang madiskaril ang nuclear weapons programme ng Pyongyang.

Inamin ng North na ang pinakawalannitong bagong missile noong Linggo ay tinatawag na Hwasong-12 at kayang magdala ng ‘’heavy nuclear warhead’’.

Sa nagkakaisang pahayag na sinuportahan ng China, ang pangunahing kaalyado ng North, nangako ang council nitong Lunes na parurusahan ang ‘’highly destabilizing behavior’’ ng Pyongyang at iniutos na itigil ang anumang susunod na nuclear o missile tests.

‘’There’s a lot of sanctions left that we can start to do, whether it’s with oil, whether it’s with energy, whether it’s with their maritime ships, exports,’’ sabi ni US Ambassador Nikki Haley sa ‘’This Week’’ ng ABC television. ‘’We can do a lot of different things that we haven’t done yet. So our options are there.’’

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM