HANGAD ng bagong libro ni David R. Montgomery, geologist sa University of Washington, na maging positibo tungkol sa pagpapanumbalik ng sigla ng lupa sa planeta.

Ang librong “Growing a Revolution: Bringing Our Soil Back to Life” ay isang good-news environment story kumpara sa unang tanyag na libro ng awtor, ang “Dirt”, tungkol sa kung paanong nasira ng erosion ang sinaunang sibilisasyon sa mundo sa mga lugar na gaya ng kasalukuyang Syria at Iraq.

“This new book was my attempt to ask the question: Can soil be restored at scale? On real farms, not in some little yard in Seattle. Could it be done on real, commercial farms in the developed world, as well as on subsistence farms in the developing world?” sabi ni Montgomery.

Sisimulang ipagbili sa Amerika ngayong Mayo, ang “Growing a Revolution” ay isang travelogue ng pagsasalaysay ng kasaysayan at siyensiya tungkol sa mga pagbisita sa mga lugar ng agrikultura sa North at South Dakota, gayundin sa Ohio, Pennsylvania, Africa, at Costa Rica. Sa nasabing mga lugar, gumamit ang mga magsasaka ng teknolohiya, mula sa mga machete hanggang sa naglalakihan at modernong makina.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“I kept running into examples of farmers who had restored fertility to degraded land. So I started asking, what did you do? How long did it take? I began to recognize patterns among farmers who had been successful not just in restoring soil, but in restoring profits to their farms,” ani Montgometry.

Nabatid ang mga paraan na nagiging kapaki-pakinabang sa iba’t ibang sitwasyon, inalam ng propesor ng Earth and space sciences ng University of Washington kung ano ang iisang bagay na nakatutulong upang muling mapasigla at mataba ang lupa na matagal nang tinatamnan.

Tumigil na ang mga magsasaka sa paulit-ulit na paghukay sa kanilang mga taniman, na nagbubunsod sa pagkamatay ng mga bulate, nagdudulot ng soil erosion at nakapagpapalaho ng kapaki-pakinabang na mga mikrobyo. Sa halip, tinutukan nila ang pagpapanatiling malusog ang lupa, at sa pamamagitan nito ay nadedebelop ang likas na depensa ng tanim laban sa peste at iba pang makasisira sa halaman.

“It boils down to a combination of three factors: Park the plow to minimize soil disturbance; grow cover crops, including legumes to get nitrogen and carbon into the soil; and grow a diversity of crops, so that you can break up the pest and pathogen carryover problem,” sabi ni Montgometry. “Those three principles — ditch the plow, cover up, grow diversity — were common among the farmers that had restored degraded soils and returned profitability to their farms.” (PNA)