INILARAWAN ng ‘sabong nation’ ang kasalukuyang 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby bilang natatanging sagupaan sa Newport Performing Arts Theatre of Resorts World Manila, Pasay City.

Ang mga nangibabaw sa unang 2-cock eliminations ay maghaharap ngayon simula ikalawa ng hapon sa kanilang 3-cock semis sa pangunguna ni Charlie “Atong” Ang (AA Cobra) na may dalawang walang gurlis na lahok sa isang 4 out of 4 performance, na nagaya rin ng tambalan nila Mark Calixto & Mike Mendoza (JMC Fortuna & JMC GF/4 Lines) at Anthony Lim (Lucban 1 & Lucban 2).

May tigalawang panalo rin sina Efren Canlas & Nene Abello (BG-BW); Steve Debulgado & Jun Bacolod (D Gamefarm Roan A.S. Dominic), Eric dela Rosa (Diego); Quintin Mabasa (El Diablo), Part Ortega (Haring Bakal), Gov. Tony Kho (JM/Masbate), Fiscal Villanueva (La Loma Big Event June 20 MBA), Gov. Gerry Espina (Mt. Panamao), Gov. Eddiebong Plaza & Ali Intino (Roosterville Pyro Pro Fatboy 1), Mayor Caesar Dy/Nelson Uy (Natividad NU), Alfred Tsoi (Team Onslaught BM AS June 9 4-Cock sa Pasay/Mad Science) at Gerry Ramos (Zara Star)/

May tig-isang panalo at isang tabla naman sina Edwin Tose (419 NSL Shaq), Atty. Art de Castro/Ed Aparri (Art Ed Thunderbee 1), Cong. Patrick Antonio (Sagupaan Pasay Taglugon), Gov. Plaza (Kikiam Roosterville), Cong. JB Bernos/Jun Biscarra (Pabs & Jaybong), Alegre & Lakay (Julia at Nicole), Gov. Plaza/Atty. Mendoza (EP JM JDS San Nicolas and EP & Pyro Fatboy 1) .

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Handog ni Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea sa tulong nila Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa, ang anim na araw na pandaigdigan labanan ay nasa pagtataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board na pinumumunuan ni Chairman Baham Mitra, ang makasaysayang pasabong na ito ay may P15M garantisadong premyo at isang bagong Mitsubishi Strada GL 4x2 M/T pick-up truck para sa handler ng kampiyon na entry.

Ang semifinals po sa pagitan ng mga nalalabing entry na nag-eliminasyon kahaon ay nakatakda bukas.