DAVAO CITY – Wala nang makapipigil sa paglarga ng Summer Children’s Games 2017 sa Mayo 24-27 dito.
Ipinahayag ni Ronnel Abrenica, chief-of-staff ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez, na handa na ang lahat para sa pinakahihintay na torneo para sa mga kabataan matapos ang huling organizational meeting sa ellow Fin Restaurant.
“All set na tayo, the budget for the Games has been approved by the PSC Board. We are now in the process of ironing out some details,” pahayag ni Abrenica.
Iginiit ni Philippine Sports Institute (PSI) Davao City coordinator Mark Samante na ang Barangay Sports Education Seminar ay nakatakda na sa Mayo 24 sa Royal Mandaya Hotel, isang araw bago ang opening day ng Summer Games.
Inimbitahan sa naturang seminar ang lahat ng barangay official mula sa 30 barangay na kalahok sa torneo.
Magbibigay ng mensahe sa opening ceremony sina PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey at PSI Davao del Norte coordinator Giovanni Gulanes.
“We are starting with only 30 barangays in this launch with 10 barangays representing the three districts of Davao City. We have coordinated with the Liga ng mga Barangay in selecting the participating barangays,” pahayag ni Samante.
Ang torneo para sa kabataan na out-of-school at school-based na may edad 12-anyos pababa ay ipinorma ni Ramirez sa Mindanao Children’s Games na inilunsad noong 2008.
Ramirez, in a separate meeting recently, said: “This will just be a kick off in reviving the Children’s Games as we will hold the same in other parts of Mindanao including those in conflict-torn areas,” sambit ni Ramirez, tulad ni Maxey isang purong Davao sportsman.
Tampok ang event na 3-on-3 basketball, volleyball at parlor games sa tatlong araw na torneo na naglalayong mapataas ang morale ng mga kabataan at mabigyan sila ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang kahusayan sa sports batay na rin sa mandato ng pamahalaan na “Sports for All”.
“This is the real gold mine not the Olympics. The gold is clear by means of reforming out-of-school children and inspiring them to go to school and study since these are the future kidnappers, robbers and criminals. The Sports for Peace is part of our anti-drugs campaign in helping kids do away with vices like illegal drugs,” pahayag ni Ramirez.
Ayon kay Ramirez, mahigpit na tagubilin ng Pangulong Duterte na palakasin ang spoprts sa bansa.
Kabilang din sa mga nakadaling opisyal sina PSI Mindanao coordinator Marlon Malbog, PSI Davao program officer Cholo Elegino and Liga ng mga Barangay president and Councilor January Duterte’s’ chief-of-staff Mildred Untalan as well as Sports for Peace Core Group’s Ed Fernandez, Gemima Valderama and Serge Opena. (PSI)