Ilang gobyerno at negosyo sa Asia ang tinamaan ng ‘WannaCry’ ransomware worm kahapon, at nagbabala ang cybersecurity experts ng mas malawak na epekto sa pagdami ng mga empleyado na gagamit at magbubukas ng kanilang mga email.

Ang ransomware na ikinandado ang mahigit 200,000 computer sa mahigit 150 bansa ay ikinakalat sa pamamagitan ng e-mail, at nakaapekto sa mga pabrika, ospital, tindahan, at eskuwelahan sa buong mundo.

“Most of the attacks are arriving via e-mail, so there are many ‘landmines’ waiting in people’s in-boxes,” sabi ni Michael Gazeley, managing director ng Network Box, isang cybersecurity company sa Hong Kong.

Inihayag din ni Gazeley na nadiskubre ng kanyang grupo ang isang bagong bersiyon ng worm na hindi gumagamit ng e-mail para buyuin ang mga biktima.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa halip, naglo-load ito ng mga script sa na-hack na website kung saan ang mga user na pipindot sa malicious link ay kaagad na mahahawaan.

Isa ang Japan sa mga nabiktima. Kinumpirma ng Nissan Motor Co. kahapon na ilang units ang tinarget, ngunit wala namang naging malaking epekto sa negosyo nito. Iniulat ng Japan Computer Emergency Response Team Coordination Center na 2,000 computer sa 600 kumpanya sa Japan ang apektado.

Sa China, sinabi ng energy giant na PetroChina na tinamaan ang payment systems sa ilang petrol stations nito. Iniulat ng pahayagang China Daily na 200,000 computer ang apektado sa China, at pinakamatinding tinamaan ang mga eskuwelahan at kolehiyo.

Sinabi ng opisina ng presidential Blue House ng South Korea na siyam na kaso ng ransomware ang nadiskubre sa bansa.

Sa Australia, sinabi ni Dan Tehan, ang minister ng gobyerno na responsable sa cybersecurity, na tatlong negosyo ang tinamaan ng bug. (Reuters, AP)