CABANATUAN CITY - Dalawang umano’y sangkot sa droga ang napatay sa anti-narcotics operation ng mga pulis sa AGL Subdivision sa Barangay Caalibangbangan sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Ayon sa pulisya, nakipagbarilan si Edmundo dela Vega, nasa hustong gulang; at isang hindi pa nakikilalang lalaking kasamahan nito sa Drug Enforcement Unit ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) at Cabanatuan City Police dakong 2:00 ng hapon nitong Mayo 13.
Sinabi ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, na nagsasagawa ng anti-illegal drugs operation ang grupo ng DEU nang magpaputok umano si Dela Vega at kasamahan nito kaya gumanti ang mga pulis at napatay ang dalawa.
(Light A. Nolasco)