Ni NITZ MIRALLES

Carla at Tom
Carla at Tom
PRESSCON mamayang gabi ng Mulawin vs Ravena na kabilang sa cast sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Hindi pa sigurado kung dadalo ang dalawa sa presscon dahil nasa Davao sila at nagti-taping ng I Heart Davao.

Sa May 20 pa raw ang balik nila, pero baka pabalikin muna sila ng GMA-7 sa Manila para dumalo sa presscon. 

Sina Tom at Carla lang ang makakapagkuwento tungkol sa mga karakter nilang sina Rodrigo at Aviona, respectively. Saka, si Tom ang makakasagot kung totoong special participation lang ang labas niya sa Mulawin vs Ravena at si Carla lang ang medyo magtatagal at babalik pagkatapos ng I Heart Davao.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sa Instagram, ikinuwento ni Carla ang training niya sa paglipad na naka-harness dahil bilang si Aviona, lilipad siya. Isa siya sa mga ibon dito, kaya may costume, may headdress at may suot na contact lens.

“Harness training for #MulawinVSRavena is a whole different level. Gotta take off, fall, float, fly, suspend, make turns, and spin like a bird.”

Kasunod nito, ipinost ni Carla ang picture ng bahagi ng kanyang katawan na may mga pasa dahil sa circuit training na ginawa bilang paghahanda sa role ni Aviona.

“Countdown to #MulawinVSRavena! Two months before we started taping I knew I had to physically prepare for my role as Aviona as well. I did circuit training again (which I hate and LOVE at the same time) because I knew I needed to strengthen my core and improve my endurance. Just about two weeks into working out 4 times a week I started experiencing pain in both of my knees. My chiropractor then informs me that I’m suffering from Chonromalacia Patellae, and that I’d need (expesinsive) theraphy on a weekly basis. Aside from this I get the usual bumps, cuts and bruises from taping too, which is perfectly normal. Despite these hazards, I am A-okay. Less than 2 weeks till our pilot episode on GMA Primetime.”

Sina Rodrigo at Aviona ang gumaganap na magulang ni Anya na ginagampanan ni Bea Binene. Mapapanood ang kakaibang love story ng isang half-bird at human sa Mulawin vs Ravena.

Sa May 22, pagkatapos ng 24 Oras ang pilot ng fantaserye sa direction nina Dominic Zapata at Don Michael Perez na siya ring sumulat ng script.