Pinaalalahanan kahapon ni Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) Secretary Guiling Mamondiong ang publiko, partikular na ang mga aplikante, na mag-ingat sa scam o ano mang modus.

Ito ay matapos makatanggap ng text message si Mamondiong na may isang fixer na gumagamit sa pangalan ng isang Regional Director ng TESDA sa Mindanao at humihingi ng pera sa mga aplikante kapalit ng pagpoproseso ng kanilang aplikasyon sa ahensiya.

Ang naturang scam, aniya, ay hindi lamang panloloko sa mga Pilipino na naghahangad ng disenteng trabaho, kundi inilalagay din sa alanganing sitwasyon sa TESDA.

Iginiit ni Mamondiong na libre ang matrikula at may transportation allowance ang TESDA scholars.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Sa oras na makumpleto ang kanilang training ay pagkakalooban sila ng national certificate na kanilang magagamit sa pag-a-apply ng trabaho. (Bella Gamotea)