Tuloy ang kasong plunder laban kay Atty. Jessica "Gigi" Reyes matapos tanggihan ng Sandiganbayan ang kahilingan nito na ibasura ang pagkakadawit niya sa P172.83 'pork barrel' scam.

Sa inilabas na desisyon ng Special 3rd Division ng anti-graft court, ibinasura nito ang motion to quash ni Reyes, dating chief-of-staff ni dating senador Juan Ponce Enrile.

Iginiit ni Reyes sa kanyang mosyon na nabigo ang Office of the Ombudsman na idetalye ang pagkakadawit niya sa scam na dinisenyo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Ayon sa kampo ni Reyes, nabigo rin ang prosekusyon na liwanagin ang kaso sa pamamagitan ng bill of particulars sa kabila ng kautusan ng Korte Suprema noong nakaraang taon.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

Iginiit din ni Reyes na ang ipinapalagay na tinanggap niyang kickback ay nanggaling diumano sa pribadong pondo ni Napoles at hindi sa pondo ng bayan. - Rommel P. Tabbad