Nakatakdang magpadala ang Pilipinas ng 16-kataong archery team sa idaraos na World Cup sa China.

Ayon sa World Archery Philippines (WAP), ang World Cup ay nakatakdang ganapin sa Mayo 17 hanggang 21 sa Shanghai.

Gagamitin, anila, ng WAP ang torneo bilang tune-up para sa Filipino archers na sasabak sa darating na Southeast Asian Games sa Malaysia sa Agosto.

Pangungunahan ang koponan nina Olympian Mark Javier at many-time Asian Cup medalist Earl Yap.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang din sa delegasyon sina recurve event experts Flor Matan, Gabriel Moreno, Kareel Hongitan at Nicole Tagle, Compound event top bets Amaya Cojuangco, Jennifer Chan at Paul De La Cruz, gayundin sina Mary Queen Ybanez, Pia Bidaure, Rogelio Tremedal, Abigail Tindugan, Kim Concepcion, Joseph Vicencio at Niron Concepcion.

Umaasa sina national coaches Clint Sayo at Purita Joy Marino na sa paglahok nila sa World Cup ay makikita nila kung hanggang saan na ang inabot ng kanilang paghahanda kontra sa mga makakalaban nila sa SEA Games.

Samantala, maliban sa World Cup, plano ring lumahok ng national archers sa isang training camp at sumalang sa World Cup leg 3 sa Amerika sa susunod na buwan at lumaban sa Asia Cup leg 3 sa Chinese Taipei sa Hulyo. - Marivic Awitan