Kinuha ng nag-iisang continental team ng bansa na 7-Eleven Road Bike Philippines by Taokas para maging bahagi ng koponan ang Japanese rider na si Daisuke Kaneko.

Daisuke KanekoLumagda na ng kontrata ang 25-anyos na siklistang Hapones sa Philippine Continental team na mayroon na ngayong apat na dayuhang miyembro kabilang na ang naunang sina Edgar Nieto ng Espanya, Jesse Ewart at Josh Berry ng Australia.

“Daisuke is a sprinter and a puncheur. He can guide Dominic Perez in the absence of injured Craig Evers. He can reel in during breakways, big help for Marcelo (Felipe),” pahayag ng team director na si Ric Rodriguez.

Ang 5-foot 4 na si Kaneko ay may pitong taon na bilang isang professional rider. Dati siyang bahagi ng mga koponang Matrix PowerTag (Japan) at Gunma Griffin matapos niyang magsimula bilang amateur sa bansang France.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Gayunman, hindi siya makakasama sa unang pagkarera ng koponan sa Japan sa Hunyo 1-4 para sa Tour de Kumano dahil batay sa panuntunan ng UCI (Union Cycliste Internationale), ang governing body ng cycling, sa ikalawang linggo pa ng Hunyo siya puwedeng kumarera para sa 7-Eleven.

Para sa Filipino cycling fans, partikular sa mga tagahanga ng 7-Eleven, matutunghayan naman ang unang pagkarera ni Kaneko sa bansa sa Linggo sa Muntinlupa City.