Asahan ng mga motorista ang napipintong oil price hike sa bansa ngayong linggo matapos ang tatlong sunod na bawas-presyo sa petrolyo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 30 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, habang hindi naman nagbago ang presyo ng diesel at kerosene.

Ang nakaambang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Mayo 9 nang huling nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, matapos magbawas ng P1.05 sa kada litro ng diesel at 90 sentimos sa gasolina at kerosene dahil sa sobrang supply ng langis sa pandaigdigang merkado. - Bella Gamotea

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente