Iniimbestigahan na ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkasawi ng 66-anyos na lalaki, na natagpuang nakabigti sa kanyang kuwarto sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Sa report ni PO3 Louie Serbito ng CIDU, may hawak ng kaso, kinilala ang biktima na si Fernando Doraire y Po, ng No. 21 Westpoint Street, Barangay Rodriguez Cubao.

Sa imbestigasyon ng CIDU, nadiskubre ni Francis, pamangkin ng biktima, ang bangkay ni Doraire, dakong 6:30 ng gabi kamakalawa.

Kukuha umano si Francis ng pagkain sa refrigerator nang masilayang nakabigti, gamit ang nylon cord, ang biktima sa kuwarto.

Probinsya

Pikon dahil sa pagpindot ng doorbell, namaril ng Grade 12 students!

Inaalam na kung may foul play na nangyari. (Jun Fabon)