IBAAN, Batangas – Isa ang napaulat na nasawi habang 18 ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang jeep sa Ibaan, Batangas, nitong Sabado ng tanghali.

Ayon sa report ng pulisya, dead on arrival sa Queen Mary Hospital si Michelle Mariano.

Kritikal naman ang tatlo sa mga pasahero habang bahagyang nasugatan at ligtas na ang iba pang nasaktan, kabilang ang driver na si Abdul Rahim Bernardino.

Ayon kay Ibaan Police chief Senior Insp. Jaime Bejasa, bandang 12:50 ng tanghali at binabagtas ng jeep (DTP-359) na minamaneho ni Bernardino ang kalsada ng Barangay Catandala nang mahulog ito sa bangin malapit sa ilog matapos bumulusok mula sa matarik na kalsada.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Dahil hindi kabisado ang lugar, hindi agad nakabig ng driver ang manibela pakanan kaya nagtuluy-tuloy sa bangin ang sasakyan at bumaligtad.

Patungo sana sa Lobo, Batangas ang mga biktima para sa kanilang swimming-outing mula sa Damariñas, Cavite.

(Lyka Manalo)