Nagmartsa ang Adamson sa kanilang ikaapat na sunod na panalo makaraang gapiin ang College of St. Benilde Blazers, 71-59, sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Fil-Oil Flying V Pre-Season Premier Cup, sa Fil-Oil Flying V Centre sa San Juan.

Franz Pumaren (Rio Leonelle Deluvio)
Franz Pumaren (Rio Leonelle Deluvio)
Gaya ng mga nauna nilang panalo, nanguna para sa Falcons ang kanilang itinuturing na 1-2 punch na sina Jerrick Ahanmisi at Tyrus Hill na tumpos na may 16 at 15 puntos, ayon sa pagkaksunod.

Rumatsada ang Falcons sa third canto upang makamit ang pamumuno sa Group B ng torneo.

Mula sa tatlong puntos na bentahe sa halftime, 31-28, nagsalansan ang Falcons ng 25-8 blast sa 3rd period upang palobohin ang lamang sa 56-36 papasok ng final period.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We became more aggressive on defense, we started putting pressure on them,”ayon kay Adamson head coach Franz Pumaren.

Matapos puwersahin ang Blzers sa 23 turnovers, sinabi din ni Pumaren na sinamantala nila ang kakulangan sa karanasan ng kanilang kalaban. “It’s good that we’re just playing a young team.”

Pinangunahan ng sentrong si Clement Leutcheu ang Blazers sa itinala nitong 14 puntos at 16 rebounds, kasunod si Yankie Haruna na may 12 puntos at 6 rebounds.

Nagsikap pang humabol ang Blazers habang iniupo na lahat ni Pumaren ang kanyang mga starter at nagawa ng mga itong magtala ng 14-0 run, ngunit kinapos na sila sa oras para dumikit.

Dahil sa kabiguan, bumagsak ang Blazers sa markang 1-2, panalo-talo.