SANAA (AFP) – Nagdeklara ng state of emergency ang mga awtoridad sa Sanaa dahil sa outbreak ng cholera sa kabisera ng Yemen.

Sinabi ni Health Minister Hafid bin Salem Mohammed na ang ‘’scale of the disease is beyond the capacity’’ ng kanyang departamento.

Umaapela ang pamahalan ng tulong sa international humanitarian organizations para maharap ang krisis.

Sinabi ng International Committee of the Red Cross (ICRC) nitong Linggo na 115 katao na ang namatay sa cholera at 8,500 pa ang nagkakasakit simula Abril 27 hanggang noong Sabado.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ito na ang ikalawang outbreak ng cholera, isang bacterial infection na nakukuha sa kontaminadong pagkain o tubig, sa loob ng halos isang taon sa Yemen, ang pinakamahirap na bansang Arab.