Sa pagharap niya sa Filipino community sa Hong Kong, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na iniutos niya ang pagpapalaya sa 14 na miyembro ng New People’s Army (NPA) na nakapiit sa New Bilibid Prison.

Ipinahayag ito ng Pangulo matapos ipakilala ang makakaliwang miyembro ng kanyang Gabinete na kinabibilangan nina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at National Anti-Poverty Commission chair Secretary Liza Maza.

“I just released about 14 prisoners from Bilibid, iyong mga komunista na convicted na,” ani Duterte.

Nakatakdang ilabas ng Malacañang ang detalye ng mga pinalayang rebelde.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sinabi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na wala siyang alam tungkol sa pagpapalaya sa 14 na NPA.

Gayunman naniniwala si Sison na welcome development ito sa usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at CPP-NPA-National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Beth Camia