mONICA copy

BINUKSANG muli ni Monica Bellucci ang mainit na debate sa pag-airbrush sa mga litrato ng stars, sa pahayag niya nitong Miyerkules na, “Thank heavens for retouching.”

Sinabi ng Italian beauty, ang pinakamatandang Bond girl sa edad na 50 sa Spectre, na tanggap niyang makita ang pagbabago sa kanyang mukha ngunit wala siyang tutol sa kaunting tulong ng Photoshop.

Sinabi niya na natutuwa siya na hindi na gaanong matindi ang airbrushing sa mga magazine ngayon kaysa noon at natututo na ang publiko na mahalin ang maliliit na “imperfections” ng mga bituin.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Sa kabila nito, “I say thank heavens for retouching. It’s airbrushing that saves us,” aniya.

Napansin ng aktres, ngayo’y 52, nang panoorin niya ang kanyang huling pelikula na On the Milky Road ni Emir Kusturica na mayroon na siyang “lines around my eyes and everywhere. Ten years ago I didn’t have them. I see how I have changed on screen.

“That said, I look at myself with compassion,” dagdag niya.

“I didn’t say to myself, ‘Oh my God, it’s monstrous!’ No, I think it is charming,” sabi ng mother of two.

“Being seen as a mature woman doesn’t bother me. You have to be like that. Maybe in 10 years I will be monstrous and I might change my mind because I have too many wrinkles.

“But for now, I’m fine about it.”

Sinabi rin ng dating modelo, inilathala nitong Miyerkules sa France ang kanyang bagong book of interviews na Rencontres Clandestines (Secret Meetings), na hindi dapat kutyain ng mga tao ang mga babaeng sumailalim sa cosmetic surgery.

“When I see mature women who haven’t been redone I don’t say, ‘She should get her face lifted.’ I think to myself, ‘She is very lovely like that.’

“However, when you see someone who has had work and who is beautiful with it, I say to myself, ‘She did the right thing’,” dagdag niya.

“You have to do what is good for you,” sabi ng aktres, na magiging master of ceremonies sa Cannes film festival ngayong buwan.

“Plastic surgery is there. If it makes you happy, why not do it?”

Sinabi ni Bellucci na pakiramdam niya “a big change was under way” sa retouching at sa pananaw sa mga may edad na babae, na ikinatutuwa niya.

Matagal nang ikinakatwiran ng mga feminist na ang airbrushing ay nagdadagdag sa problema sa self-image, at tumutulong sa pagtakda ng mga imposibleng pamantayan na hindi kayang abutin ng kababaihan.

Gayunman, laganap ang practice na ito sa social media at maging ang celebrity magazines ay madalas batikusin dahil pinagmumukhang perpekto ang mga bituin.

“They retouch photos because we have become accustomed to a kind of plasticated image,” aniya.

“But we should sense the skin, the little faults. We are getting more and more used to not looking as these little faults as imperfections.” (AFP)