Sabihin mang palasak na, wala pa ring tatalo sa pag-aalaga ng ina sa kanyang mga anak.

Hanggang ngayon, kasama pa ring matulog ni Vice President Leni Robredo ang kanyang tatlong anak na babae sa iisang kuwarto, ang kanilang pribadong pagkakataon para sa bawat isa pagkatapos ng pang-araw-araw na trabaho.

“We still sleep beside each other, holding hands that’s why I can’t stay out too late at night. All my children still sleep with me in the same room. It’s a practice that we have been used to since Jesse was alive,” wika niya sa isang forum sa Quezon City kamakailan. Para sa biyuda ni Interior Secretary Jesse Robredo, ang bukal ng kanyang kaligayahan ay ang kanyang mga anak, na nananatiling “babies” para sa kanya sa kabila ng kanilang edad.

Ang Bise Presidente at si Jesse ay mayroong tatlong anak: sina Aika, 29; Tricia, 23; at Jillian, 15.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

BUSY SCHEDULE

Sinisikap ng 52-anyos na Bise Presidente na maglaan ng oras para sa kanyang mga anak simula nang mahalal siya, pero sinabi niya na siya ay “guilty all the time” sa mga pagkukulang niya ng oras para sa mga anak.

“Guilty all the time because for the longest time I was there with them every step of the way. And now I was not able to watch the most important competition. You know, those things,” sabi ni Leni.

Pero ayon sa Vice President, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang kanilang sitwasyon, “(and) move on from one situation to another.”

“It is like you can’t just be too emotional about it because your children will gather strength from you. You can’t just be weak,” wika ng dating housing chief.

ZEN MOTHER

Zen mother ang pagkakakilala kay Leni ng kanyang tatlong anak dahil napapanatili niya ang pagiging kalmado at matatag sa gitna ng maingay na pulitika at mga isyung ibinabato laban sa kanya.

“Children are very resilient right? Once they see you are strong, they are strong. Once they see you are a drama queen, they would also be drama princesses,” sabi ng Pangalawang Pangulo.

“You just have to keep light of difficult days and the difficult decision you have to face,” wika niya.

Pumalaot sa pulitika matapos masawi ang asawa sa plane crash noong Agosto 2012, protective rin ang Bise Presidente sa kanyang mga anak gaya ng ibang ina.

Pinipili niyang hindi na sabihin sa kanyang mga anak ang lahat ng kanyang mga pasanin upang hindi na sila mag-alala.

Sinabi ni Leni na ang ikinatatakot niya nang husto ay ang pagsisihan niya kung bakit pa siya tumakbo bilang bise presidente.

“I would only regret it if my children are negatively affected because I am the only parent left. But so far, they’re still okay,” aniya.

RADIO PROGRAM

Magkakaroon din si Leni ng sariling programa sa radyo.

Inihayag ng kanyang opisina na magiging host siya ng isang oras na lingguhang programa na “BISErbisyong LENI” simula bukas.

Ayon sa Office of the Vice President, tatalakayin sa naturang programa ang mga paksa sa public service at legal service.

Ang programa ay mapapakinggan nang live sa RMN-dzXL 558 Khz na mayroong simulcast sa regional stations nito sa Cebu, Cagayan de Oro, Davao, at Naga City. (Raymund F. Antonio)