Tumatanggap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga abogadong volunteer na hahawak sa mga kaso laban sa mga opisyal ng barangay na bigong resolbahin ang illegal parking at iba pang sagabal sa trapiko o road obstructions sa mga nasasakupang lugar.
Ito ay bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya ng ahensiya laban sa mga nagmamatigas na barangay official na patuloy sa paglabag sa “no-parking rule at tow-away” ng ahensiya sa buong Metro Manila.
Kamakailan nagsampa ang legal department ng MMDA sa Office of the Ombudsman ng kasong administratibo laban sa pitong barangay chairman sa Metro Manila dahil nabigo ang mga itong panatilihin ang kalinisan sa mga estero at kalsadang nilinis ng ahensiya. (Bella Gamotea)