THANKFUL si Eugene Domingo sa lahat ng mga nag-request na viewers here and abroad na ibalik ang all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
One year ding nagpahinga ang show na muling iho-host ni Eugene at special bluffer niya ang mahusay na host na si Edu Manzano, na thrilled nang malamang siya ang napupusuan para maging co-host ni Eugene. Noon pa pala ay hangang-hanga na si Edu sa kahusayan ni Eugene sa comedy.
“Eh, si Edu naman, habang tumatanda, lalong sumasarap, he’s a game show master,” pabirong sabi ni Eugene nang makausap ng press sa re-launching ng Celebrity Bluff. “Nakakatuwa dahil nang magsimula kami muling mag-taping, parang hindi kami huminto ng one year, balik pa rin ang excitement sa akin, dahil mas exciting ngayon, nakaka-suspense ang mangyayari sa bawat episode, mas malalalim ang questions. Bawat episode may theme kami at tatanggap din ng half a million pesos ang mananalo.
“Masaya ako na bluffer pa rin si Boobay na magaling na magaling na ngayon. May mga guest bluffers kami at sa pilot episode namin sa June 3, guests namin si Alden Richards at si Brod Pete. At ang very special guests namin, mga magkakaibigan sa showbiz, ang mga stars ng Ika-6 Na Utos -- sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon, real best friends Andrea Torres and Rochelle Pangilinan at ang Starstruck batch one magkumare Jennylyn Mercado and Sheena Halili.”
Sa direksiyon ni Rico Gutierrez, mainstay ng comedy game show ang Kapuso boyband One Up, na siyang kumanta ng theme song at magpu-provide ng kanilang kilig performances.
Kahapon, a day after the presscon, umalis si Eugene papuntang Italy. Biro niya nang magpaalam daw siya sa nanay niya na pupunta siya uli sa Italy, “’Nay, aalis ako, para puntahan ang mapapangasawa ko.” Sagot daw ng nanay niya: “Ay, salamat!”
Mukhang may balak nang lumagay sa tahimik si Uge at si Danilo Bottoni na nagpunta naman sa ating bansa nitong nakaraang Holy Week. First time nito sa Pilipinas kaya ipinakita niya sa boyfriend ang ilang magagandang lugar sa bansa, like ang beaches sa Morong, Bataan, ang Manila, at tumuloy din sila ng Japan.
“Pinag-aaralan ko ang Italian language, pero gusto rin niyang dito kami mag-settle down. We love traveling din kasi kaya siguro paalis-alis din kami if ever. We will have a simple wedding, sa isang little chapel in Italy. Siya na kasi ang nararamdaman ko na talagang mahal ko, he is faithful, funny at napapanood niya ang mga ginagawa kong shows and movies. Pero babalik din ako bago ang pilot telecast namin sa June 3, pagkatapos ng Magpakailanman.”
(NORA CALDERON)