Kim Chiu and Gerald Anderson (1) copy

INABANGAN at kinakiligan ng televiewers ang muling pagkikita nina Bianca (Kim Chiu) at Gabriel (Gerald Anderson) nitong Miyerkules (May 10) sa Kapamilya serye na Ikaw Lang ang Iibigin, kaya nanguna ito sa national TV ratings.

Umabot sa 15.7% ang nairehistrong national TV rating ng serye, lamang ng mahigit limang puntos kumpara sa katapat nitong programa na Trops na nakakuha naman ng 10.4%.

Naging usap-usapan din sa social media ang muling pagtatagpo nina Bianca at Gabriel kaya manguna sa trending topics ang official hashtag ng palabas na #ILAIMulingPagkikita.

Usapang Negosyo

₱10 na kita kada pastil, paano nakatulong sa pag-aaral ng isang iskolar sa Maynila?

Hindi napigilan ng netizens na i-post at ipadama sa ibang viewers ang kanilang kasiyahan at kilig sa mga eksenang napanood.

Sabi ni @its_me_ellen, “Best episode ng Ikaw Lang ang Iibigin ang muling pagkikita nila Gabriel & Bianca. Kilig feels at lovable ang character ni Bianca.”

Kinilig din si @giveawayboyya sa eksena na noon pa man ay isa nang Kimerald fan. “Nanood ako ng #ILAIMulingPagkikita at muli kong naramdaman ang pagiging Kimerald fan ko nu’ng nakita ko silang magkasama.”

Pinuri naman ni @jadinexmoments ang mahusay na pagganap ni Jake Cuenca sa serye. “Ang galing talagang kontrabida ni Jake! Nakakainis siya.”

Samantala, ngayong nagkrus na ang landas nina Bianca at Gabriel, mag-uumpisa na muling humarap sa pagsubok ang kanilang pagkakaibigan dahil hahadlangan sila ni Carlos.

Magtuluy-tuloy na nga kaya ang pagkakalapit nina Bianca at Gabriel? Magtagumpay kaya si Carlos na paglayuin silang dalawa?

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang Ang Iibigin, sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable Channel 167).