Kinumpirma kahapon ng militar ang pagsuko kamakailan sa gobyerno ng isang medical officer ng New People’s Army (NPA) sa Abra.
Ayon sa isang opisyal mula sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela, Mayo 8 nang sumuko sa 24th Infantry Battalion si Catherine Cortez, alyas “Lora”, “Apple”, “Joey”, medical officer ng Kilusang Larangang Guerilla Montes sa ilalim ng Leonardo Pacsi Command.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Operation Control of Joint Task Force “Tala” sa Barangay Layugan sa Bucay, Abra, isinuko rin ni Cortez ang isang M16A1 rifle, isang rifle grenade, dalawang magazine para sa M16 rifle, at 60 rounds ng .5.56mm. (Liezle Basa Iñigo)