Nag-ulat sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año sa House committee on national defense and security, tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng pambansang seguridad.
In-update rin nila ang mga kongresista hinggil sa “three-tiered” Revised AFP Modernization Program, and the support they need for their legislative agenda”.
Ipinaalam ng dalawang opisyal sa komite ni Pangasinan Rep. Amado T. Espino, Jr. ang banta sa seguridad ng mga grupong terorista, ng presensiya ng mga dayuhang terorista, at ng extortion activities ng New People’s Army. (Bert de Guzman)