JAEN, Nueva Ecija - Nagwakas na ang matagal na pagtatago sa batas ng 28-anyos na binatang isa sa most wanted sa bayan ng Jaen sa Nueva Ecija matapos siyang maaresto ng mga pulis sa kanyang hideout, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Joel M. dela Cruz, hepe ng Jaen Police, ang nadakip na si Reymart Laureano y Bugtong, ikalawa sa watch list ng Jaen Police.

Ayon kay Dela Cruz, nahaharap si Laureano sa qualified theft, na may piyansang P10,000; at rape, na wala namang inirekomendang piyansa para sa kanya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan