KIM copy

BACK to work na si Kim Chiu sa Ikaw Lang Ang Iibigin (ILAI) matapos isugod sa The Medical City hospital dahil sa allergy nitong Huwebes (Mayo 11).

Post ni Kim sa Instagram, “We meet again green bed and here we go again.”

Maraming fans ang nag-alala kaya muling nag-post ang Chinita Princess na kaya na siya.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“Hi everyone. For those asking, wala na. I’m okay na. Wala na (sabay turo sa kanang mata) dito na lang (turo sa kaliwang mata).”

Nasa set daw ng ILAI si Kim nang kumain ng sushi na binili niya.

Alam ni Kim na may allergy siya sa seafood kaya gusto sana niyang ma-immune nito kaya kumakain pa rin siya, ‘yun nga lang, umatake na ang pangangati at pamumula ng katawan at ang worst ay hindi siya makahinga.

Ayon sa taga-ILAI na tinanong namin kahapon, nagti-taping na ang aktres kaya okay na ito.

Hindi puwedeng pumalya sa taping si Kim dahil ang character niya as Bianca ang sentro ng kuwento. Natutuklasan na niyang hindi totoong mabait ang ama ni Carlos (Jake Cuenca) na si Roman (Michael de Mesa) dahil ipinamumukha nito sa kanya na lahat ng nagagastos mula sa mga suot at sapatos na ginagamit sa training pati pagkain ay kailangan niyang bayaran, lalo na ‘yung sa hospital bills ng lolo (Dante Rivero) niya.

Kaya nagpupursige si Bianca sa training para makabayad kaagad.

Ikinuwento ni Binaca sa inang si Maila (Bing Loyzaga) ang ginawa sa kanya ni Roman kaya nagpunta ang ina sa opisina at nagpang-abot sila ng best friend at kababatang si Victoria (Ayen Munji-Laurel) na hindi pala sinabi sa asawa na magkakilala sila.

Exciting ang susunod na episodes ng Ikaw Lang Ang Iibigin dahil harapang tinanong ni Michael si Victoria kung totoong best friend niya si Maila. Kindi kaagad makasagot si Victoria. (REGGEE BONOAN)