Inaasahang magiging makahulugan at emosyonal ang matutunghayang tagpo sa pagpaparangal ng mga kasalukuyang volleyball stars sa mga dating “volleyball heroes” sa gaganaping fund-raising event na Clah of Heroes ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Inimbitahan sa okasyon sina Zenaida Ybanez-Chavez, Leonora Escollante, Rosemarie Molit-Prochina, Joanne Tavera-Tomacruz, Arlene Apostol-Ladimo, Nory Laroza ng iba pa nilang kakampi na huling nagwagi ng gold medal para sa bansa sa Southeast Asian sampu ng Games.

Kinilala bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro noon sa rehiyon si Ybanez-Chavez sampu ni Escollante nang magwagi ang Pilipinas ng gold medal sa 1993 Singapore SEA Games at kinilala sila bilang MVP at Best Setter, ayon sa pagkakasunod.

Tatlong beses namang nagwagi si Apostol-Ladimo ng SEA Games gold medal.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Inaasahan ding dadalo sa event na inorganisa ng PSC-POC Media Group sa pakikipagtulungan ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission kabalikat ang TV5 at UCPB Gen sina coach Emil Lontoc at Sammy Acaylar na nagsilbing mga assistant coaches sa noo’y national coach na si Russian Stav Lyugaylo.

Inimbitahan din sa event na magsisilbing final tryouts para sa mga miyembro ng national pool si Thelma Barina-Rojas,isa three-time SEA Games gold medalist at siyang mukha ng Philippine volleyball noon sa international competition.

“It is only fitting that we recognize their past contributions and hard work in growing Philippine volleyball,” ayon kay PSC-POC Media Group president June Navarro ng Inquirer.

“We want the stars of today to personally meet them and be inspired as they embark on their long, difficult journey to the Southeast Asian Games and the AVC Championships.”

Inimbitahan naman upang magsagawa ng ceremonial serve sina PSC chairman William “Butch” Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, LVPI president Joey Romasanta at Senador Juan Miguel Zubiri, ang napiling head ng organizing committee ng bansa sa nakatakda nitong hosting ng 30th SEA Games sa 2019.

Pangungunahan nina Alyssa Valdez at Kim Fajardoang Pilipinas-Blue squad kontra sa Pilipinas-Red squad na pamumunuan naman nina Rachel Anne Daquis at Aiza Maizo-Pontillas sa women’s match ganap na 7:00 ng gabi.

Sa men’s play, magtatapat naman ang Pilipinas-Blue ni reigning NCAA Most Valuable player Johnvic de Guzman kontra sa Pilipinas-Red team ni UAAP reigning 4-time MVP Marck Espejo ganap na 4:00 ng hapon.

Para sa mga gustong manood, makakabili pa rin ng mga ticket sa media center ng Rizal Memorial Sports Complex. Para sa karagdagang detalye tumawag lamang sa – (02) 536-47-22 at hanapin si Reuben Terrado.