JEN, DENNIS AT ____ copy copy

IKINATUWA ng fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang lumabas na photos sa surprise small birthday party for Dennis last May 11 (May 12 ang eksaktong kaarawan).

May taping si Dennis ng Mulawin vs Ravena sa birthday niya, kaya in-advance ang kanyang birthday party. Dahil hindi mahilig sa big party ang aktor, pamilya lang nila ni Jennylyn plus ilang relatives at friends ang bisita. Wala nga kaming nakitang picture na may bisitang kaibigang artista ang aktor.

Natuwa ang DenJen fans sa mga lumabas na litrato dahil kasama si Calix na anak ni Dennis at si Jazz na anak ni Jennylyn. Bukod doon, present din sa party ang parents ni Dennis at isang kapatid.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

May ipinost ding video si Jennylyn na nagdya-jamming ang amang si Noli Pineda at ama ni Dennis na si Abelardo Ho. Si Noli ang naggigitara at sinabayan din sa pagkanta ng All of Me ang daddy ni Dennis.

Kaya sabi ng fans, kasal na lang ang kulang. Gusto na nilang magpakasal sina Dennis at Jennylyn, pero nabanggit na ng dalawa sa mga interview na hindi sila nagmamadaling magpakasal. Kailangan daw itong paghandaang mabuti at sa ngayon, focus muna sila sa kani-kanyang career.

Lalo na at magsisimula pa lang ang airing ng pinagbibidahan ni Dennis na Mulawin vs Ravena sa May 22 at sa May 29 naman ang pilot ng My Love From The Star nina Jennylyn at Gil Cuerva. (Nitz Miralles)