BEIJING - Nais ng Pilipinas na magtayo ng “bridge of understanding” sa pakikipag-ugnayan sa China kapag isinagawa ang unang yugto ng bilateral dialogue sa pamamahala sa sigalot sa South China Sea sa susunod na linggo.

Sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Sta. Romana na hindi sila gagamit ng “megaphone diplomacy” at sa halip ay tuwirang makikipag-usap upang maging malinaw at magkaroon ng pagkakaunawaan sa posisyon ng bawat isa sa pinagtatalunang teritoryo.

Ang bilateral dialogue ay dadaluhan ng mga kinatawan mula sa foreign ministries ng dalawang bansa bukod sa regional summit sa southwest China sa susunod na linggo. Si Sta. Romana at ang kanyang counterpart na si China Ambassador Zhao Jianhua ay kasali sa mga partisipante sa dialogue.

“This is precisely the mechanism where you don’t use megaphone diplomacy. You talk to each other directly, you come up with your issues,” sabi ni Sta. Romana sa media interview sa Philippine Embassy rito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“And sometimes to understand the other side’s position even though you don’t agree with each other is already a first step in trying to build a bridge of understanding, to clarify what is our position on this issue,” dagdag niya.

Sa unang sesyon, sinabi niya na inaasahang tatalakayin ng dalawang partido ang “terms of reference and the basics” at bubuo ng agenda para sa bilateral consultative mechanism. Sinabi niya na mahalagang magkaroon ng pagpapalitan ng mga pananaw at matukoy kung ano ang mga pagkakaiba sa maraming taon nang sigalot.

Pagkatapos ng unang sesyon, sinabi ni Sta. Romana na ipagpapatuloy ang bilateral consultative mechanism makalawang beses sa isang taon sa pagpapalitan ng mga pananaw hinggil sa South China Sea issue.

Tiniyak din ni Sta. Romana na hindi aabandonahin ng gobyerno ang United Nations-backed arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas. (Genalyn D. Kabiling)