Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na sa ngayon ay wala siyang plano o hindi niya pinapangarap na maging senador.

“Sinabi ko naman na mahirap magsalita nang patapos, but this is a very clear statement coming from me. I have no plans or I have dreams of becoming a senator. Wala pa ‘yan sa plano ko,” sinabi ni Dela Rosa sa press briefing nitong Biyernes.

Iginiit niyang ang plano niya ngayon ay tapusin ang kanyang termino bilang PNP chief sa Enero 2018, kapag nagretiro na siya sa serbisyo sa edad na 56.

“Ang plano ko lang ngayon matapos itong chief PNP ko nang maayos. Pagdating sa retirement ko, maka-retire ako nang maayos at umuwi sa amin sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur para mag-fishing,” sabi ni Dela Rosa.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

“I want to live a simple and happy life there. Sobra na ‘yung stress na nare-receive ko sa aking pagiging chief PNP, dagdagan pa ninyo ng tatakbo ng senator. Mag-relax [muna] ako,” dagdag pa niya.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na bukas siya sa posibilidad na pumasok sa pulitika, lalo na kung hilingin ito mismo sa kanya ni Pangulong Duterte.

“Alam mo naman ako, good follower ako. Susunod ako kung may order,” aniya. (Francis T. Wakefield)