KINSHASA, Congo (AP) — Isang tao ang kumpirmadong patay sa Ebola outbreak sa hilagang bahagi ng Congo kasabay ng naitalang siyam na hinihinalang kaso, kabilang ang dalawa pang kaso ng pagkamatay, ayon sa health minister ng bansa at ng World Health Organization.

Isang kaso ng hemorrhagic fever ang nakumpirma sa limang isinailalim sa test simula nang kumalat ang sakit noong Abril 22 sa probinsiya ng Bas-Uele, ayon kay Health Minister Oly Ilunga Kalenga.

Dahil dito, masusubok kung epektibo ang experimental Ebola vaccine na, ayon sa WHO, ay maaaring gamitin sa emergency.

Sinabi ng global vaccine alliance GAVI na available ang 300,000 doses “if needed to stop this outbreak becoming a pandemic.”

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na