Handa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipatapon sa Basilan ang apat na pulis-Makati na una nang inaresto sa entrapment operation dahil sa pagkakasangkot sa hulidap o robbery extortion.

Ayon kay NCRPO Regional Director Oscar Albayalde, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na utos mula kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na ire-assign sa Basilan sina Police Officers 2 Harley Garcera y Gaton at Clarence Maynes y Nerona, Police Officers 1 Tim Galzote y Santos at Jeffrey Cañete y Pangalay.

Aniya, sa oras na matanggap nila ang utos ay agad nilang ipatatapon sa Basilan ang mga sinibak na pulis.

Sinabi ni Albayalde na bukod sa apat, may apat pang Intel Unit personnel ng Makati Police, pawang hindi pinangalanan, ang sumasailalim sa imbestigasyon kahit hindi direktang isinangkot sa reklamo ng magkasintahang biktima.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

(Bella Gamotea)