DAVAO CITY – Inilikas ng City Disaster and Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang daan-daang pamilyang nakatira malapit sa mga ilog ng Talomo at Matina nitong Huwebes ng gabi, sa harap ng pag-apaw ng tubig.
Nagulat ang mga residente sa biglaang paglaki ng tubig sa dalawang ilog gayung hindi naman umuulan.
Halos maabot ng tubig ang Balusong Bridge sa ibabaw ng Matina River, kaya naman nagsagawa ng matinding monitoring ang mga residente.
Sa mga kalapit na barangay ng Matina Pangi, Matina Crossing, at Bangkal, nagbanta ring pumasok ang baha sa mga bahay makaraang bahain ang mga kalsada.
Kaagad namang inilikas ang nasa 200 residente sa tatlong nabanggit na barangay, ayon sa CDRRMO. (Yas D. Ocampo)