PATULOY na lumalago ang maunlad na negosyong bakery na pinamamahalaan ng ama at mga kapatid ng sikat na aktres na may umeereng teleserye ngayon sa sikat na TV network.

Kuwento ng aming source, ang sikat na aktres ang nagbigay ng malaking puhunan para maitayo ang negosyo ng ama sa probinsiyang pinili nitong tirhan dahil tagaroon ang asawa nito.

Matagal nang hiwalay ang ama’t ina ng sikat na aktres, kaya may iba nang kinakasama ang ama. Dahil hirap sa buhay ang ama, binigyan ito ng puhunan ng sikat na aktres.

Nagtayo rin ng restaurant ang ama ng sikat na aktres sa tabi ng bakery na pinamamahalaan naman ng babaeng kapatid nito.

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

In fairness, masinop at masipag ang ama ng sikat ng aktres dahil napalago niya ang bakery business na nagkaroon na ng branches sa iba’t ibang bayan ng probinsiya at maging sa Maynila, Cavite at Batangas.

Palibhasa mabait na tao, masuwerte sa buhay ang sikat na aktres. Hindi pabigat ang kanyang magulang at mga kapatid na marunong magpahalaga sa perang kanyang itinulong kaya may kanya-kanya na silang pinagkakakitaan.

Sabi pa ng source, sa ngayon, solong-solo ng dalaga ang kanyang kinikita.

Pero dahil sadyang mabait na anak, panay ang kumusta ng sikat na aktres sa ama at mga kapatid, kung ano ang kailangan, pero wala naman nang hinihiling ang mga ito dahil successful nga ang negosyong bakery at restaurant.

Naikuwento rin ng aming source na mabait sa mga trabahador ang ama ng sikat na aktres, may pabahay at libreng pagkain ang mga ito.

Kaya pala mabait at generous din sa mga kaibigan at kasambahay ang sikat na aktres, dahil nagmana sa ama.

(Reggee Bonoan)