Binigyang-diin ni Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo ang pangangailangan na magkaloob ng dagdag na proteksiyon sa kababaihan laban sa mga bagong banta – partikular na ang mga hatid ng modernong panahon.

Sa kanyang talumpati sa Global Summit of Women (GSW) sa Tokyo, Japan nitong Mayo 11, binanggit ni Robredo ang mga umuusbong na banta sa kababaihan partikular na ang mga pang-aabuso na natatanggap nila sa social media “for standing up for what they believe in.”

“In some respects, protecting a woman’s dignity and character is more difficult in the virtual sphere, where just about anyone, can make irresponsible comments, often anonymously,” sabi ni Robredo.

Pinuri ni Robredo ang pagdalo ni Japan Prime Minister Shinzo Abe sa Summit, na aniya ay malinaw na senyales “that our male counterparts are our stakeholders in this advocacy.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji