volleyball copy

NAKUBRA ng Pocari Sweat ang ikatlong sunod na panalo nang daigin ang Creamline, 15-25, 25-18, 26-24, 25-19, nitong Huwebes sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan.

Kumana ng pinagsamang 24 puntos sina Elaine Kasilag at Myla Pablo, habang nag-ambag si Cai Nepomuceno na may 12 marker para tuluyang maibangon ang Pocari mula sa magkasunod na kabiguan sa pagsisimula ng torneo.

Tangan ang 3-2 karta, sumosyo ang Pocari sa Power Smashers sa No. 2 spot.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Sabi ko kasi, let’s play at our own pace kasi nagdi-dictate ng pace ang Creamline (sa first set),” sambit ni Pocari Sweat coach Rommel Abella.

“Sabi ko let’s play at our own pace, kung saan tayo comfortable, doon tayo maglaro. At least medyo nakinig (ang players) and nakabawi kami ng second set,” aniya.

Natamo naman ng Cool Smashers, pinamumunuan ni Alyssa Valdez, ang ikalawang sunod na kabiguan.

“Big boost ito sa morale namin as a team kasi coming from two defeats sa start ng tournament, ang ganda ng bawi namin, tatlong sunod,” pahayag ni Abella. “Ngayon pa lang namin nakikita na nabubuo ang team namin.”

Nanguna si Valdez sa Creamline sa natipang 25 puntos, habang nagsalansan sina Coleen Bravo at Pau Soriano ng tig-11 puntos.

Ginapi naman ng Power Smashers ang Philippine Air Force, 25-23, 25-20, 25-22.

Nanguna sa hataw ng Power Smashers ang troika ng Arellano University na sina Jovelyn Prado (16), Regine Arocha (10) at Andrea Marzan (10). (Marivic Awitan)