SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Isang 54-anyos na overseas Filipino worker (OFW) at kasamahan nito ang naaresto ng anti-narcotics operatives makaraang maaktuhan umano sa pagbebenta ng ilegal na droga sa San Isidro, Nueva Ecija.

Kinilala ni Chief Insp. Romeo Gamis, hepe ng San Isidro Police, ang nasakoteng sina Mario Edwin Alvarez, 54, OFWl; at Jayson Pascual, 35, tricycle driver, kapwa residente ng Delos Reyes Street, Barangay San Vicente, Gapan City.

Ayon kay Gamis, hindi sukat akalain ng mga suspek na mga pulis ang nakatransaksiyon nila sa droga bandang 8:15 ng gabi nitong Miyerkules.

Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,000, at P500 marked money. (Light A. Nolasco)

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga