Portugal Pope_Luga (1) copy

FATIMA, Portugal (AFP) – Ginunita nitong Huwebes ng ama ng batang lalaki na mabilis gumaling matapos mahulog mula sa bintana kung paano siya humiling ng milagro sa dalawang batang pastol sa Fatima, Portugal.

Ang iniulat na ang milagrong ito ang nakapagkumbinse sa Simbahan na magpasyang ideklarang santo ang mga batang pastol na pinakitaan ng Birheng Maria may 100 taon na ang nakalipas sa isang bayan sa Portugal.

Darating si Pope Francis sa Fatima para markahan ang ika-100 anibersaryo ng iniulat na aparisyon at idedeklarang santo ang magkapatid sa okasyon na inaasahang dadagsain ng libu-libong deboto.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“We thank God for Lucas’s recovery and we know, with all the faith in our heart, that he recovered thanks to a miracle brought about by the small shepherds Francisco and Jacinta,” sabi ni Joao Batista, ama ni Lucas, sa mamamahayag. Nakatayo sa kanyang tabi ang asawang si Lucila Yurie.

Noong 2013, nahulog si Lucas – noon ay limang taong gulang lamang – sa taas na 20 talampakam mula sa kanilang bintana at nabagok ang ulo nito, kuwento ni Batista.

Inilipat si Lucas sa isang ospital sa Parana state, “where he arrived in a very serious coma, his heart stopping twice before being operated on urgently.”

“Doctors said he had little chance of pulling through.”

Matapos makausap ang mga miyembro ng Carmelite, isang Catholic religious order, nagdasal ang pamilya – noon pa man ay “very devoted” na sa Our Lady of Fatima -- sa mga batang pastol, na namatay sa sakit na Spanish flu dalawang taon matapos ang iniulat na mga aparisyon noong 1917.

“Two days later, Lucas woke up. He was doing well and he started to talk,” ani Batista.

Makaraan ang 12 araw ay lumabas na si Lucas sa ospital.

“He has completely recovered, he has no after-effects,” sabi ng kanyang ama. “The doctors, including non-believers, weren’t able to explain this recovery.”

Dalawa sa batang pinakitaan ng Birheng Maria, sina Francisco at Jacinta Marto, ang magiging pinakabatang non-martyred saints ng Simbahang Katoliko.

Ang ikatlong bata, ang kanilang pinsan na si Lucia dos Santos, namatay noong 2005, ay malapit na ring ideklarang banal.

Unang nagpakita ang Birheng Maria kina Jacinta, noo’y 7-taon, Francisco, 9, at Lucia, 10, habang sila ay nagpapastol sa Fatima noong Mayo 13, 1917.

Inaasahang isang milyong deboto ang dadagsa sa Fatima Basilica at sa malawak na plaza sa harapan nito para sa canonization Mass sa Sabado.