NANGIBABAW sina top seed national pool member NM John Marvin Miciano ng Davao City at fourth-seed Venice Vicente ng Tanza, Cavite sa kani-kanilang division sa U20 ng katatapos na National Age Group Chess Championship sa Robinson’s Galleria sa Cebu City.

Naungusan ni Miciano, top board player ng UAAP secondary chess champion Far Eastern University, ang kasanggang si Jeth Romy Morado ng .5 puntos, habang nakalusot si Vicente, miyembro ng UAAP women chess champion FEU, kontra WFM Marie Antoinette San Diego sa tiebreaker.

Kumasa rin sa torneo na itinataguyod ng Province of Cebu at Marty Pimentel, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga pambato ni Dasmarinas, Cavite Mayor ElpidioBarzaga, Jr. na nasa pangangasiwa ni FIDE Master Roel Abelgas.

Nakapaguwi ang koponan ng apat na gintong medalya, dalawang silver at isang bronze.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nanguna ang Abelgas boys na sina Jason Danday sa U18 boys, Daniel Quizon sa U14 boys, Kylen Joy Mordido sa U16 girls at Jerlyn Mae San Diego sa U12 girls. Pumangalawa naman sina Marie Antoinette San Diego (U20) at Darren de la Cruz (U8), habang nakopo ni Justine Diego Mordido ang ikatlong puweto sa U14. “Mayor Barzaga’s chess development program whose products stood out in the country’s premier age-group competition should serve as a template for LGUs, especially now that the thrust of the PSC is grassroots sports development,” pahayag ni Cong. Prospero Pichay, Jr., pangulo ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Naisubi naman ni Surigao del Sur’s WFM AllaneyJia Doroy ang gintong medalya sa U18 girls, habang namayani sina Irish Yngayo ng Davao City (U14), Marikina City’s Antonella Berthe Racasa (U10), at Candon City’s Mecel Angela Gadut (U8).

Sa boys division, gold medal winner sina Christian Mark Daluz ng Manila (U16), Michael Concio, Jr. ng Los Banos, Calamba (U12), Cedric Kahlel Abris ng Mandaluyong City (U10) at Al-Basher Buto of Cainta, Rizal (U8).