MAINE1 copy

TINOTOO ni Maine Mendoza ang sinabi niya kay Alden Richards sa sugod-bahay segment ng Eat Bulaga last Thursday sa Sta. Rosa, Laguna, na magsi-selfie siya sa harap ng bahay ng pamilya ng aktor sa Nuvali, pagkatapos ng work niya.

Sagot ni Alden, sige raw, magpapaluto siya ng lunch sa Lola Linda niya -- ng paboritong sinigang ni Maine.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

Naikuwento pa ni Alden sa Dabarkads co-hosts niya na sinabi raw ni Maine na kapag nakapunta ito sa kanila, sisirain nito ang Iron Man collections niya.

Hindi siguro inakala ni Alden na tototohanin ni Maine ang pagsugod sa bahay nila, kaya natagalan bago nakapasok sa gate ng village si Maine, kuwento ng friend namin na kapitbahay ni Alden. Kasunod daw sila ng van na hindi niya alam na si Maine ang sakay.

Kaya bago pa nag-post si Maine ng pictures sa bahay ni Alden, alam na naming naroon nga ang dalaga dahil ikinuwento na ng friend namin. Nag-send pa siya ng picture ng car ni Maine sa tabi ng isang sasakyan ni Alden.

Nakiusap ang friend namin na huwag naming i-post ang ipinadala niyang photos na nasa labas na ng gate si Maine.

Lumapit daw kasi sa kanya si Maine na huwag muna siyang mag-post, siya raw muna, dahil surprise kay Alden ang pagpunta niya sa bahay nito.

Nag-selfie muna si Maine sa harap ng bahay ng ka-love team bago siya nag-door bell. At sino nga ba ang hindi magugulat nang siya ang makita sa gate?

Sinalubong siya ni Daddy Bae, Richard Faulkerson, Sr. Nagulat din si Lola Linda. Love ni Lola Linda si Maine, at sa isang interview nga sa kanya, sinabi niyang sana ay magpakasal na sila ni Alden dahil gusto niyang makita ang apo niya kay Alden bago siya pumanaw.

Tila nagtagal si Maine sa bahay ng pamilya ni Alden based sa kanyang ipinost na pictures sa social media.

Sa ilang photos, kausap niya sina Daddy Bae, Lola Linda – habang ipinapakita kay Maine ang family album niya, na tiyak na lumang pictures ni Alden ang tinatawanan nito, at nanood pa sila ng TV ng youngest sister ni Alden na si Angel.

Nagluto pa sila ng pinsan ni Alden na si April, naghugas ng pinggan at nagwalis-walis pa sa kusina pati sa labas ng bahay, at namahinga sa malaking duyan nina Alden sa garden.

Binisita rin ni Maine ang second floor ng bahay ni Alden at nakita roon ang cabinet ng trophies na natanggap na ni Alden, ang Iron Man collections nito -- na hindi naman niya sinira. Hindi kasi lahat ay binili ni Alden, mas marami ang gifts ng kanyang fans here and abroad. May mga ipinakita pa si Daddy Bae na gifts na nakabalot pa at kung hindi kami nagkakamali, iyon ay gifts abroad ng fans na uwi ni Alden, para sa magiging baby raw nila ni Maine.

Nag-post din si Maine sa Facebook ng, “Dear Alden, sana hindi ka talaga nagulat! Nanunugod, Meng.” Umabot sa 52 pictures ang ipinost ng dalaga. Nag-post din siya sa Twitter ng, “Hello @aldenrichards02.” Sinagot naman ni Alden sa kanyang Twitter account ng: “Hands down! No Word! #megakill #legendary waaaaaaaa!

Tuwang-tuwa siyempre ang AlDub Nation na si Alden naman ang hinamon ng “sugod-bahay sa Bulacan.” Matupad kaya ‘yon?

Ngayong Sabado, guest si Nanay Mary Ann Mendoza o si Nanay Dub ni Maine sa Mother’s Day celebration sa “Jack en Poy” segment sa Eat Bulaga kasama ang nanay nina Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Pauleen Luna.

Curious kami kung paano lalapit si Alden kay Nanay Dub. Abangan! (NORA CALDERON)