Hindi inakala ng isang tractor operator na maaararo nito ang isang 76-anyos na lalaki na namumulot lamang ng busil ng mais sa Barangay San Vicente, Sto. Tomas, Isabela.

Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Felipe Managuelod, 76, biyudo, residente sa nabanggit ding lugar.

Dakong 9:00 ng umaga nitong Huwebes nang magsimulang magtrabaho ang suspek na si Jorlie Lubo, 48, ng Bgy. San Vicente, at hindi niya inaasahang naroon na ang matanda para mamulot ng busil.

Nasagasaan ng traktora si Managuelod at hindi na umabot nang buhay sa Milagros District Hospital sa bayan ng Cabagan.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

(Liezle Basa Iñigo)