COCO AT ARJO copy

MALAPIT na bang masukol ni Cardo Dalisay (Coco Martin) si Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Hindi na talaga tinatantanan ni Cardo si Joaquin.

Sa isang episode recently, parang may premonition si Joaquin na sa huling pagkakataon ay isa sa kanila ni Cardo ang mabubura sa mundo kaya nangangamba ang kanyang inang si Verna Syquia-Tuazon (Agot Isidro) at kinukulit siya na mangibang bansa na lang sila.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Pero ang lolo ni Joaquin na si Don Ramon Syquia (Eddie Garcia), pinalalakas ang loob ng apo at tinuturuan siya kung ano ang mga dapat gawin lalo’t nasa kamay na ng mga pulis si Police C/Supt. Rogelio Jacob (Rez Cortes) na kakampi ng mga Tuazon.

Nakakatawa nga dahil may mga naririnig kaming, “Hindi pa ba mamamatay si Joaquin? Ang haba naman ng buhay n’yan, palibhasa masamang damo.”

Pero paano naman kasi tatakbo ang kuwento ng Probinsyano kung mawawala na si Joaquin, siya ang main antagonist ni Cardo. Kapag tinanggal ang character ni Joaquin, sino pa ang mahigpit na kalaban ni Cardo? E, di natapos na ang serye?

Malakas ang karakter ni Coco dahil sa conflict ng karakter naman ni Arjo. Kapag nawala si Joaquin, lalaylay o lalamig ang tikas ni Cardo.

Ngayong linggo, lalo na nitong Miyerkules, katakut-takot na bakbakan ang nangyari na akala namin ay patay na ang Probinsyano boys ni Coco na sina SPO3 Jerome (John Prats); Police Inspector Billy (John Media) at Police Inspector Chikoy (Michael Roy Jornales), mabuti na lang at kaagad silang nalapatan ng lunas.

Curious kami kung sino ang susunod na guest stars ng FPJ’s Ang Probinsyano na magiging matinding kalaban ni Cardo bukod kina Joaquin at Don Ramon. O kung sino ang papalit kay Arjo kung magkatotoo na ang premonition ng character niya. (REGGEE BONOAN)