PURA, Tarlac - Nahaharap ngayon sa kasong qualified seduction ang isang 38-anyos na lalaki matapos niyang dukutin ang isang dalagita sa bahay nito sa Barangay Linao sa Pura, Tarlac, at kamakailan lamang nailigtas.

Inaresto ng pulisya si Nilo Cabuang, ng Bgy. Singat, Pura, at nakapiit na ngayon sa himpilan ng Pura Police.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mary Jane Pascua, nagtungo sa pulisya ang ina ng biktima at inireklamo si Cabuang sa pagdukot sa kanyang anak at pagdala rito sa bahay ng suspek kung saan inabuso ang dalagita nitong Abril 17, 20, at 23.

Ayon sa report, nakuha lamang makatakas ng dalagita noong nakalipas na linggo at kaagad itong nagsumbong sa ina.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

(Leandro Alborote)