Dalawang lalaki na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan sa drainage canal ng Sitio Catengtengan sa Barangay Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Ayon kay PO3 Alvin B Bautista, natagpuan ng ilang residente ang bangkay ng dalawang lalaki at kaagad na ini-report sa pulisya bandang 7:00 ng umaga nitong Miyerkules.

Nakagapos ang mga kamay at paa ng dalawang biktima at ang bibig ay binusalan ng plastic strap at masking tape.

May mga tama rin ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang dalawa. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel